Chapter 2 - Sherry's Warning

2K 77 2
                                    

(Irish's PoV)

Nakahiga lang ako sa ospital habang nakatingin sa bintana.

Bored na bored na talaga ako sa ospital.

Gusto ko na talagang lumabas. Sabi ng Mama ni Spence, one week pa raw bago ako makalabas. Dahil diyan, mas lalo na naman akong nalungkot.

Ewan ko ba sa mga doctor! Feeling ko naman kasi ok na ako. Malakas naman na ako eh. Kaya ko na ngang pumasok sa school eh.

Minsan nga, gusto ko nang tumakas dito eh at umuwi sa bahay..

Kasi siyempre nakakahiya naman kay Tita.

More than one week na pala ako sa ospital. Ang naaalala ko bago ako napunta dito, magulo sa school dahil sa hellhound statue. Tapos nabangga yung sasakyan ng nagnakaw sa hellhound statue. And then may nagtangkang bumaril kay Spence.

Naikwento ni Spence ang mga nangyari.

Buti na lang nahuli na ang may gawa nun pati yung Principal ng Torch Academy. Hindi ako makapaniwalang kaya nilang gawin yun. Kung tutuusin, napakasimpleng bagay lang naman ang dahilan. Patunay nga na pasama na nga ng pasama ang mundo.

Matagal na akong hindi nakakalabas. Miss ko nang makita ang labas. Ano na kaya nangyayari ngayon? Sa school? Sa lugar namin? Sa bayan? Pareho pa rin pala ang lasa ng pizza sa canteen noon at sa pizza nila ngayon? Favorite pa rin kaya ni Jamie ang Ice Cream? Patay na patay pa rin kaya si Sherry kay Spence? Si Marcus kaya? Hanggang ngayon, misteryo pa rin sakin ang pagkatao niya.

Isang linggo lang naman akong walang malay pero feeling ko ang tagal!

"Ba't tulala ka diyan? At nakatingin ka pa sa may bintana?"

Naibaling ang atensyon ko kay Spence nang magsalita siya. May hawak siyang libro na kakatapos lang niyang basahin.

Napabuntong hininga ako!

"Kumusta na kaya sa labas? Gusto ko nang mamasyal! Ang hirap ng nandito lang."

"Naiintindihan kita I pero..mas mahalaga ang kaligtasan mo. Kailangang masigurong ok ka na talaga!"

Hindi ko naiwasang maging malungkot. Sa mga sinabi niya obvious na magtatagal pa talaga ako sa ospital.

"Pero wag kang mag-alala I!", sambit ni Spence para i- cheer up ako. Siyempre napansin niyang nalungkot ako

"Paglabas mo dito, ipapasyal kita!"

"Talaga?", duda kong tanong

"Oo naman!"

"Saan?"

"Hmmmmmm.....eh kung saan mo gustong pumunta!"

Nag-isip ako saglit..

"Mmmm....pizza parlor?", hindi ako sigurado sa sinabi ko.

Eh kasi naman..wala naman akong ibang maisip!

"Dun lang? Eh napakadali naman ng request mo!", sabi niya sabay ngisi..

San ba kasi????


.

.

.

.

And suddenly, may pumasok na idea sa isip ko!

"Hmmmm...alam ko na!"

"Ano?"

"Mag-throwback na lang tayo!"

"Throwback?"

"Throwback ng mga pinupuntahan natin nung mga bata pa tayo!"

Napaisip siya..

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now