Chapter 9 - Versus Ma'am

2.5K 92 7
                                    

(Irish's Pov)

Lunes! 8:30 na ako pumasok dahil wala kaming first period ngayon. Hindi pa rin kasi sila nakahanap ng kapalit ni Ma'am Arellano na nahuli last week.

Pagpasok ko sa classroom, nadatnan ko roon si Jamie na busy sa pagbabasa ng kaniyang notes.

"Bakit? May quiz?", tanong ko sa kaniya..

"Oo! Long quiz friend kaya magreview na tayo!"

Napaisip ako'ng konti. Yung teacher namin sa Physics, nambabagsak daw ng mga estudyanteng hindi nakakapasa sa exam. At idagdag mo pa diyan ang pagbibigay niya ng napakahirap na quiz!

Hindi ako pwedeng bumagsak.

At agad akong naki-share ng notes para makapag review.

"Inertia is a property of matter by which something that is not moving remains still and something that is moving goes at the same speed and in the same direction until another thing or force affects it"

Nakaka-nosebleed!

Hate na hate ko pa man din ang Physics.

"Grabe si Ma'am, halatang sa Webster's Dictionary niya kinuha ang definition!", natatawang sambit ni Jamie. Ngumiti na lang din ako.

Hindi niyo naitatanong, yang si Jamie, mahilig magbasa yan ng Dictionary. Siguro na-encounter na niya sa Dictionary ang inertia dati!

Pagkatapos ay tinuloy-tuloy namin ang pagrereview.

Ganado na ako sa pagreeview nang bigla akong kausapin ni Jamie..

"Kumusta nga pala ang weekend?"

"Sorry hindi ko na nasabi sayo ang nangyari. Hindi ko na rin kasi talaga maasikaso sa sobrang pag-aalala ko."

Pansin niyo ba? Medyo defensive ang sagot ko?

Eh kasi, kilala ko ang kaibigan ko. Kapag nagtanong yan ng tulad ng tanong niya ngayon, technically, alam na niya kung ano ang nangyari. At dahil hindi siya involve slash hindi ko siya binalitaan, siguradong magdedemand yun ng explanation.

"Kawawa ka naman pala nung weekend friend! Pero......"

Naaawa na dapat siya nang bigla siyang may maalala!

"Kumusta yung date niyo ni Spence?", excited niyang tanong

Napatingin ako sa aking relo..

9:20 na...malapit na ang next period. Pagkatapos ay kinalat ko ang aking paningin para i-check kung andun si Spence..wala pa siya!

"Wala namang date na naganap!"

"Ano????? H-hindi kayo natuloy??"

"Natuloy!"

Pagkatapos ay kwinento ko sa kaniya ang mga nangyari. Mula sa pagpunta namin na kasama si Baby Ken hanggang sa nadismaya si Spence kay Baby Ken.

Pagkatapos ay bigla na lang siyang tumawa ng malakas. Napatingin tuloy sa kaniya yung mga kaklase namin!

"Sshhh! Ba't ka tumatawa?", takang-taka kong tanong..

"Hahaha! Talaga? Ganun yung nangyari? Hay...ang malas niyo naman! Anyway, at least meron akong iaasar sa kaniya!"

"Ikaw talaga, wala ka nang ibang inisip kundi ang asarin siya!"

"Uyyyy.....pinagtatanggol!", pang-aasar niya sakin. Hindi na lang ako umimik. Totoo naman kasi!

Hay..ewan ko ba. Noon, nagagawa ko pa namang magdeny pero ngayon parang hinahayaan ko na lang na nahahalatang gusto ko si Spence. Ganun yata talaga!

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now