Chapter 13 - the Bait

1.3K 47 16
                                    

(Irish's PoV)

Paglabas ko sa gate ng bahay, saktong dumaan si Spence.

Ngumiti ako..

"Sp---"

Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil nilagpasan lang niya ako na parang hindi niya ako nakita.

Napataas ako ng kilay.

Isnaber na siya bigla?

Bakit kaya!

Binilisan ko ang paglalakad para mahabol siya.

..

...

At..

..

..

Nahabol ko naman!

"Ang aga-aga ba't parang ang lalim ng iniisip mo?"

"Irish..andiyan ka pala!"

Patuloy pa rin siya sa paglalakad na parang may iniiwasan

"O-okay ka lang?", Pag-aalangan kong tanong.

Hindi siya sumagot. Tila iniisip niya kung ano ang dapat niyang sabihin.

"Tungkol ba 'to sa kaso ni Marcus kaya ka nagkaka-ganyan?"

Napahinto siya.

"Pwede bang..."

Napatigil siya saglit saka niya tinuloy ang kaniyang sasabihin.

" ....pwede bang wag muna nating pag-usapan ang tungkol diyan?", sambit niya habang nakatingin sa malayo.

Sobrang nanibago ako sa sinabi niya. Si Spence ayaw pag-usapan ang isang kaso? Eh ito ang bagay na gustung gustung gusto niya ah.

"Huh? Bakit?"

Napabuntong-hininga siya.

"Wag ka sanang magalit sakin I!"

"B-bak----"

"Gusto ko munang mapag-isa!", sambit niya saka siya naglakad ng mabilis.

Wala akong nagawa kundi panoorin siyang  papalayo.

Sa sobrang hindi ko inexpect na ganun si Spence ngayon, halo-halong reaksyon ang meron ako.

Maya-maya pa ay nagpatuloy na rin ako sa paglalakad.

..

..

..

Ngunit bigla akong napatigil.

Bigla akong kinabahan.

Pinakiramdaman ko ang aking paligid.

Hindi ko alam pero parang may sumusunod sakin.

Lumingon ako sa aking likuran upang tignan kung may sumusunod ngunit..wala naman akong makitang kahit sino.

Nagpatuloy ako sa paglalakad.

At muli ay ramdam kong may naglalakad rin sa aking  likuran.

Bigla ulit akong lumingon.

Wala ulit akong nakitang sumusunod.
Napalunok ako.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba.

Bakit ganun? Pakiramdam ko talaga may sumusunod.

..

..

..

Dahil dun.....binilisan ko na ang paglalakad.

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now