Chapter 14 - Final Decision

863 34 0
                                    

(Irish's PoV)

Agad kong hinanap si Spence pag-apak na pag-apak ko sa school. Una kong pinuntahan ang library. Wala siya. Sa canteen, wala rin siya. Sa office ng mga basketball players, wala  din. Sa classroom, wala pa rin.

At dahil diyan, nagtanong na ako sa mga kaklase namin kung nakita nila siya.

"Nakita ko siya kanina sa gym!"

"Salamat", sambit ko sa aking kaklase at agad akong nagpunta roon.

Agad kong hinanap si Spence sa gym. Nakita ko siyang nakahiga sa bleacher kaya agad ko siyang pinuntahan.

"Kanina pa kita hinahanap!"

Tinignan lang niya ako saglit at binaling ang kaniyang tingin sa iba.

"Ok ka lang ba? Parang.....ang lalim ng iniisip mo?"

Hindi pa rin siya umimik. Napaka-strange ng mga ikinikilos niya ngayon.

Umupo ako sa paanan niya.

"Alam ko...may gumugulo sayo. Sabihin mo na. Wag ka nang magpabebe diyan"

Tinignan niya ako na tila ba pinag-aaralan niya kung sasabihin niya o hindi.

Maya-maya pa ay bumangon siya at tumabi sakin.

"Hindi ako nagpapa-bebe!", kunot-noo niyang sambit.

Hindi ako umimik.

"Nakausap ko si Papa kagabi"

Pagsisimula niya.

"Hindi siya umaayon na makialam tayo sa paghahanap kay Marcus."

Kinwento niya sakin yung naging conversation nila ng Papa niya. Base sa kwento niya, isang ama na nag-aalala para sa kaniyang anak si Detective Benj. Sabagay tama nga naman kasi si Tito. Delikado ang pinapasok namin.

"Ibig sabihin ba niyan, hindi mo na tutulungan si Suzanne?"

"Gusto kong suwayin si Papa. Gusto kong ipakita na kaya ko. Marami na rin akong mga nalutas na kaso kahit hyskul lang ako. Pero ano man ang idahilan ko, tama pa rin si Papa eh! Hindi ito basta-basta. Kung malakas ang loob ng mga dumukot kay Marcus na banggain ang Beckendorf, siguradong mapanganib sila. We can't stand a chance kung makikialam tayo. It's a suicide. At least kasi yung mga nalutas nating mga kaso, we're sure that the cops are on our side. Mas secured tayo. Ngayon kasi, sa mga police lang talaga pinahawak 'to. Siguradong hindi sila magtitiwala sa kahit anong impormasyong galing satin."

"So does that mean...you're out?", malungkot kong tanong

"I hate to say it but I think I'm not the right person that could help them."

Hindi ako umimik.

"Please paki-extend yung sorry ko kay Suzanne", malungkot niyang sambit.

This is the first time na nakita ko si Spence na sobrang lungkot. Parang sa isang iglap nawala sa kaniya ang joy. Pero bilib ako sa pagiging masunurin niyang anak. Ina-acknowledge niya y

"Kung....'yan ang desisyon mo!", sagot ko.

Bigla kong naalala yung plano ni Suzanne na dapat ay kanina ko pa nasabi sa kaniya.

"Pero kasi...."

Napatingin siya sakin.

Napatigil ako.

Sige...hihingi na lang ako ng tulong kay Lolo tungkol sa plano ni Suzanne.

"Kasi?",

"Uhmmmm...", pinilit kong ngumiti

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now