Chapter 3 - New Friend

2.6K 101 10
                                    

(Irish's PoV)

Pagpasok namin sa hotel, bumungad agad ang napakagandang hall. Kulay white at gold ang motif. Sa center part, may naka-hang na malaking chandelier. Nasa bandang gilid ang mga table at sa bandang north ang mga foods - buffet style. Para akong nasa castle.

"Wow!"

As in wow talaga. Parang ang sarap tumira dito!

"Grabe Lolo!! Ang ganda dito."

Ngumiti naman si Lolo na halatang natutuwa dahil masaya ako.

"Ang sarap sigurong ikasal sa ganitong lugar 'no lolo??"

"Eh, di asawahin mo 'yung presidente ng hotel!" sambit ng tinig sa may likuran ko in a sarcastic way.

Asawahin ang president? Napawi ang tuwa ko sa sinabi niya. Pasulpot-sulpot!

"Inggit ka lang!" inis kong sagot sa kaniya saka ako nagbeh-lat!

Mayamaya ay natahimik siya na tila ba malalim ang kaniyang iniisip.

" 'Wag kang masyadong mag-enjoy dito!" sambit niya.

Mas lalo akong nainis sa kaniya. Ayaw niyang mag-enjoy ako? Basag trip talaga!! Bawalan ba naman akong mag-enjoy.

"Ano'ng sinasabi mo?? Pwede ba, 'wag mo nga akong inaasar!"

"Tama na 'yan!" pagsita ni Lolo dahilan upang mapa-tigil kami pareho.

"Basta mag-ingat kayo!" paalala pa niya sa 'min ni Spence.

Huh?

Nakapagtataka at ganyan ang mga tinuturan nila dito sa loob ng ball.

"Sabi sa 'yo eh!" sabay ngisi ni Spence na tila ba pinapa-mukha sa 'kin na tama siya. Pagkatapos ay umalis siya. Sa'n na naman kaya siya pupunta? Feel at home!

Pero, ano kaya'ng ibig sabihin ng mga sinabi nila ni Lolo.

"Uhmm, Lolo may problema po ba sa ball?" duda ko.

Nakita kong huminga lang siya ng malalim.

Mukhang hindi nga maganda ang ibig sabihin nito.

Napa-isip akong mabuti.

Hindi kaya 'yun ang dahilan kung bakit na-imbitahan sina Lolo at ang mga detective?

"Inspector Alvarez! Good to see you again!"

Napalingon ako sa biglang lumapit sa 'min ni Lolo!

The Who?

"Inspector Jorge! Long time no see. It's been 8 years no'ng huli tayong magkita. Buti natatandaan mo pa ako!" pabirong sagot ni Lolo!

Ah so inspector din siya!

"Oo naman!! Ako nga natandaan mo rin eh!" pabiro ding sagot ni inspector Jorge.

Marunong din pala talagang magbiro ang mga inspector!

Nakatingin lang ako kay Inspector Jorge nang bigla siyang mapatingin sa 'kin. Sinubukan kong ibahin ang tinitignan ko pero too late!!

"Oh, siya na ba si Irish?"

K-kilala niya ako? Pero ba't parang ngayon ko lang siya nakita?

"Ah, oo siya na nga!"

"Aba dalagang-dalaga na at napakaganda!"

Di ko talaga gets!

Lumapit ako nang konti kay Lolo at bumulong sa kaniya.

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now