Chapter 5 - Flashback

1.7K 76 4
                                    

(Spence's PoV)

Medyo late na ako nung pumasok ako sa school. Napatingin ako sa relo at three minutes na lang, time na kaya ako nagmadali papuntang room. Napalingon pa ako sa Hellhound statue nang madaanan ko ito. Pagkatapos ay nadaanan ko rin ang SSC office kung saan napatigil ako at tila nawala sa isip ko yung first class ko this morning..

Nakita ko ang isang kakaibang itim na parang nakasilip sa may pader. Hindi naman siya gaanong kaliit pero mahahalatang tila isa itong lens ng camera.

CCTV????

Kelan pa nagkaroon ng CCTV sa school?

Sabagay baka galing yan sa SSC. Nakapwesto malapit sa kanilang office eh!

Pagkatapos nun..naalala ko ulit na may next class pa ako kaya agad akong nagmadali papunta sa aming classroom.

Pagdating ko sa classroom, una kong nilingon ang upuan ni Irish gaya ng lagi kong ginagawa.

Hindi siya pumasok.

Napatingin ako kay Jamie na saktong nakatingin rin sakin at halatang nagtataka siya kung bakit absent si Irish. Sigurado, sakin na naman isisisi ni Jamie ang hindi pagpasok ni Irish ngayon.

Pero buti na lang, pumasok na rin yung teacher namin kaya hindi na kami nakapag-usap.

Bakit kaya hindi pumasok si Irish ngayon?

P-pero...

Biglang nagflashback sakin yung ginawa ko kagabi.

(Flashback)

So nasa kwarto ako at nag-iisip ng paraan para masigurong ligtas si Irish.

Nag-aalala talaga ako sa kaniya eh.

Palakad-lakad ako sa may terrace habang pasulyap-sulyap sa may kwarto ni Irish na katapat lang ng kwarto ko.

Hanggang sa napatigil ako dahil bigla akong may naisip....

Alam kong magagalit si Irish pero ito na lang kasi ang naisip kong paraan para tulungan siya...

Litong-lito ako kung ano ang dapat gawin. Hindi ko kakayanin pag napahamak si I.

Kaya sa sobrang desperado ko, tinawagan ko si Aries at Jimson para hingan ng tulong.

Sinabi ko sa kanila ang dahilan ng pag-aalala ko at inutusan sila na puntahan si Irish sa school. Hangga't maaari, kailangang maabutan nila si Irish bago pa man siya makapasok sa school.

Ako rin ang nagsabi na kapag naabutan nila si Irish, kunin siya pero wag sasaktan at iuwi siya sa bandang labas ng gate namin.

Pagkatapos ng 10 minuto, biglang may bumusina at sigurado akong sina Jimson na yun.

Wala pa rin siyang malay.

Nagpasalamat ako sa dalawa at agad silang umalis.

Buhat-buhat ko si Irish nang pangkasal habang naglalakad ako para iuwi siya sa bahay nila.

Ang bigat pala ng babaeng 'to

At inayos ko ang pagbuhat ko sa kaniya dahil feeling ko malalaglag siya.

Sa katunayan, habang buhat ko siya, napapatingin ako sa napakaamo niyang mukha. Nakaka-tempt pero mataas ang respeto ko sa kaibigan ko. Kaya tinignan ko na lang ang aking daanan at inalis sa isip ko na buhat buhat ko si Irish ngayon.

Pagdating namin sa tapat ng bahay nila, agad akong nag-doorbell na nung una, nahihirapan pa akong pindutin ang doorbell.

Pagkatapos ng ilang minuto, lumabas si Inspector Alvarez at binuksan ang gate.

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now