Chapter 5 - His Deductions

2.1K 76 4
                                    

(Marcus' PoV)

Nakatayo ako sa rooftop ng aming building sa school. Tanaw ko mula rito ang kanto kung saan natagpuan ang sunog na biktima.

Kasalukuyan ko itong pinagmamasdan habang pinag-iisipang mabuti ang mga pangyayari. Base kasi sa imbestigasyon ko, ang lalaki ay itinapon sa lugar na yun nang sunog na. Hindi siya nasunog o sinunog roon dahil wala namang nakitang sunog na damo. Mayroong nakasuot na bag sa kaniya pero hindi ito gaanong sunog. Ibig sabihin ang intensyon lang talaga ay sunugin si Spence. Walang laman ang kaniyang bag at wala din siyang dalang cellphone. Maaaring itinapon ito upang hindi siya masundan o di kaya'y mahirapan ang mga imbestigador na hanapin ang kaniyang identity. Pero may gumugulo pa rin sa isip ko. Bakit malapit sa Cornerstone Academy itinapon ang biktima? Bakit sa lugar kung saan madaling makikilala ang biktima? Bakit kailangan siyang sunugin? Bakit kailangang itapon na lang siya?

Marami pa ring mga tanong ang gumugulo sa aking isipan na kailangan kong masagot sa lalong madaling panahon!

Ang pinakamatindi at importanteng tanong, sino ang gagawa nito? I mean aminado ako na marami ang pwedeng gumawa nun sa kaniya para makaganti sa pagbibigay niya ng hustisya sa mga tao pero sino sa kanila?

Patuloy lang ako sa pag-iisip habang nakatanaw pa rin sa kanto kung saan natagpuan si Spencer Quijano.

Biglang napakunot ako ng noo nang may matanaw akong naka-long sleeve ng dark green. Tinignan kong maigi kung sino siya pero hindi ko mamukhaan dahil bukod sa malayo, nakasuot siya ng sombrero kaya natatakpan ang mukha niya. Nakita kong nagpalinga-linga siya na tila ba chine-check kung may makakakita sa kaniya o wala! Halatang umiiwas siyang makita siya ng karamihan. Ang mga ganun, madalas gawain ng mga kriminal.

Nang makumpirma niyang walang nakasunod o nakatingin sa kaniya, lumapit siya sa mismong lugar kung saan natagpuan yung biktima. Tila may hinahanap siya. Maya-maya pa ay meron siyang pinulot. Kung ano yun? Hindi ko napansin!

"I LOVE YOUUUUUUUU SPEEEEEENCE!!!!!!"

Habang busy ako sa panonood sa ginagawa nung nasa kanto, bigla akong may narinig na sumigaw at may pangalan pa ni Spence kaya agad akong napalingon.

Si Irish!

In-love nga talaga 'to kay Spence.

"Mahal na mahal------"

Bigla siyang napatigil nang makita niya ako!

So hindi niya ako napansin dito nung una!

Nanlaki ang mata niya, samantala binigyan ko siya ng nakakalokong ngiti!

"So in love ka nga sa bestfriend mo?", pang-aasar ko sa kaniya.

Halatang nahiya siya at napansin kong nagblush siya!

"H-huh? A-as a friend y-yun!", sagot niya habang iniikot ang eyeballs niya

Spell palusot!

"Ano ka ba...investigator ako. Licensed detective! Madalas akong napapasabak sa interrogation area sa ibang bansa. So alam ko kung ang isang tao, nagsasabi ng totoo"

Biglang kumunot ang kaniya noo!

"Investigator ka ba talaga?", bigla niyang tanong

Tumango ako in confidence!

"So in love ka talaga sa bestfriend mo?", tanong ko naman sa kaniya

"Paano ka naman naging investigator?", muli niyang tanong

"Bakit ka na-inlove sa kaniya?"

Hindi siya umimik at tumingin siya sa kalangitan!

Pagkatapos ay napabuntong hininga siya!

"Sabi nila, saka mo lang mare-realize ang kahalagahan ng isang tao pag wala na siya!", malungkot niyang sambit

Napasandal siya at pinagmasdan ang view sa baba...

"Lagi kaming nag-aaway at hindi magkasundo. Pero bestfriend ko siya. Kaya ko sinisigaw yung mga bagay na hindi ko nasabi sa kaniya noon!", malungkot niyang pagpapatuloy

"So tanggap mo-----"

"Hep! Hindi ah! In case lang hindi na talaga siya babalik"

Nginitian ko siya para ipakitang nakakabilib ang kaniyang fighting spirit!

"Sige...ipagpatuloy mo yan! Sana hindi ka biguin niyan.", nakangiti kong sambit pagkatapos ay naglakad na ako paalis

--------

(Irish's PoV)

Naiwan ako dito sa rooftop mag-isa!

"Sana andito ka Spence!", bulong ko sa aking sarili.

Pagkatapos ay naglakad na rin ako papunta sa aming classroom nang bigla akong may nabangga!

"Oh..s-sorr...Sherry?"

Napatingin siya sa'kin at namumula ang kaniyang mga mata!

"Umiiyak ka ba?"

Hindi ko inaasahan, bigla na lang niya akong niyakap saka siya humagulgol sa iyak.

"T-teka? B-bakit? Ano'ng nangyari?", gulat kong tanong

Hindi siya umimik at patuloy pa rin siya sa pag-iyak

Naiintindihan ko naman na talagang mahirap magsalita kapag iyak ng iyak kaya hinayaan ko na lang siya.

Maya-maya pa ay medyo nahimasmasan rin siya at kumawala sa pagkakayakap sakin. Nakita kong nagpupunas siya ng luha.

"S-sorry Irish ah!", medyo nahihiya niyang sambit

"May problema ba?"

"Hindi mo ba iiyakan si Spence?", takang-taka niyang tanong

"H-huh!? S-so umiiyak siya dahil kay Spence?"

"Iniwan na niya tayo!"

Hindi ako umimik. I remember patay na patay nga pala si Sherry kay Spence

"Babalik siya!",matapang kong sagot

"Magmumulto?"

"Basta...babalik siya!"

----------

(Marcus' PoV)

Nagtungo ako sa kanto. Nais kong icheck ulit baka may mahanap akong bagong lead. Tinignan ko rin yung bakas ng bagay na kinuha nung naka-long sleeve kaso wala akong makitang bakas ngunit sigurado akong meron siyang pinulot.

(Inspector Alvarez's PoV)

Nandito ako ngayon sa office at tinututukan namin ang pag-iimbestiga sa pagkamatay ni Spence.

At hinihintay ko kung ano ang bagong lead. Hindi ako makakapayag na hindi mabigyan ng hustisya ang taong maraming nabigyan ng hustisya.

Habang tinitignan ko ang mga files at mga taong naipakulong ni Spence, biglang may kumatok at pumasok ang isa sa mga detectives ng aming team.

"Sir!"

"Ano'ng bago?"

"Nagulat po kaming lahat!"

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Eto po yung result ng bagong test na isinagawa!"

Kinuha ko ang iniabot niyang files at nanlaki ang mata ko sa nakita ko!

"Kung ganun tama nga siya!", 'yan na lang ang aking nasabi

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now