MC #5 : The Disappearance

2.1K 72 0
                                    

Prologue:

(Spence's PoV)

Hay...Sunday na naman! Parang kelan lang yung Lunes na umalis ako taz ngayon Sunday na naman. Ang bilis talaga ng araw.

Nag-stretching ako ng kaonti saka bumaba sa kwarto..

Nagtungo ako sa kusina para mag-agahan...

Chineck ko ang oras...8:00 am..wala si Mama. Akala ko day-off niya ngayon!

Tinignan ko kung ano'ng ulam kaso..wala eh!

Huwaaaat????

Kruug!

Gutom na ako..

Wala ding loaf bread, de lata or any ready to eat food. Kahit snack man lang sana.! Ano ba namang klaseng bahay to at wala man lang stock...

Wala na akong nagawa....naupo na lang ako!

Ang hirap naman nito!

Andami ko nang naiisip na reklamo nang may mapansin akong sticky note sa mesa...

Oh anak...ako naman ngayon ang aalis. May outing kasi kami ng college friends ko. Bye!

Nang mabasa ko yun, napabuntong hininga ako at tinawagan si Mama..

"Hello ma!"

"Anak! Nabasa mo naman siguro yung note ko diba?"

"Bakit mo naman kinuha yung mga stock na pagkain sa bahay ma! Wala tuloy akong makain!"

Natawa ng kaonti si Mama bago sumagot...

"Oo kinuha ko nga...p-pano mo naman nalaman?"

"Andami pang stock nung isang araw. Sino lang naman ang umalis..ikaw lang naman diba ma?"

"Whatever! Pero anak..malaki ka na kaya mo nang buhayin abg sarili mo. Bye! Uwi ako sa Monday!"

Hindi ko na pinansin ang sinabi niya. Binaba ko na lang ang phone!

Dahil tinatamad akong magluto ng agahan, tinawagan ko ang Mcdo at nagpadeliever na lang ako..

Pagkababa ko ng phone...may narinig akong sumigaw mula sa kapitbahay..

"Waaaaaaah!!! Hiiiiiiiiindeeeeeeeee!!!!!!"

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko..

IRISH!

Dali-dali akong tumakbo papunta sa kanilang bahay....

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now