Chapter 8 - Trade

873 34 1
                                    

(Spence's PoV)

"Kuya! Ano'ng ginagawa mo?", naiiyak si Maia habang papalapit sa kidnapper.

Kuya???? Kapatid pala niya. Sana walang kinalaman dito si Maia.

"Hindi mo ba nakikita? Sinisiguro kong hindi magiging masaya ang taong nanakit sa'yo!"

Kaya pala! Kaya pala niya ginagawa 'to.

Tumayo si Maia sa gitna namin at hinarap niya ang kaniyang kuya.

"Kuya....hindi naman....hindi ko naman hinihiling na gawin mo 'to eh!"

Hindi umimik ang kidnapper.

"Oo! Nasaktan ako. Nakita mo akong umiiyak. Pero hindi naman ibig sabihin nun na gusto kong gumanti at gusto kong makita siya..."

Napalingon siya kina Irish

"....at sila...", sabay turo sa direksyon nila

"....na maging miserable!"

.

.

"Hindi mo ba naisip? Sa ginagawa mong 'to...lalo mo akong pinapahirapan!"

"Ano? Sa kanila ka pa kumakampi? Maia, ginagawa ko lang 'to dahil ayokong nasasaktan ang little sister ko. Tayong dalawa na lang sa buhay. Tayo na lang ang magkakampi. Hindi ako papayag na masaktan ka nang wala man lang akong ginagawa."

Nakita ko ang pagpunas ni Maia sa kaniyang mga luha.

"Iniisip lang naman kita eh! Pag nahuli ka ng mga pulis....", napahikbi siya

"......sino na'ng kasama ko? Diba mas lalo akong mahihirapan. Akala mo...akala mo pinoprotektahan mo ako? Hindi dahil sa ginagawa mo....mas sinasaktan mo ako! Mas pinapahamak mo ako. Mas pinapahirapan mo ako!"

Hindi umimik ang kidnapper.

"Kaya please...itigil mo na 'to! Pakawalan mo na sila."

.

.

Hindi agad nakasagot ang kapatid ni Maia. Tila nag-iisip.

.

.

Napa-yuko ako dahil sa mga nagaganap ngunit napasulyap ako sa kidnapper nung mapansin kong napatingin siya sakin.

Pagkatapos ay pinagmasdan niya ang direksyon nina Irish.

"Nandito na tayo! Wala na tayong magagawa!", sagot niya pero ayaw niyang lingunin si Maia

.

.

"Kuya...."

"Iatras ko man 'to o hindi, huhulihin pa rin ako ng mga pulis. Kaya gagawin ko na lang kung ano ang patas sa sitwasyon!"

"Ikaw ba talaga yan?"

"Tumabi ka", utos ng kaniyang kuya

"Hindi!", pagpupumilit ni Maia.

Lumapit siya sa kaniyang kapatid.

"Please---"

Naitulak niya si Maia kaya ito napaupo.

Nakita ko ang pagkabigla ng kidnapper sa ginawa niya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Concern ka ba talaga sa kapatid mo kaya mo 'to ginagawa? Kasi parang hindi eh!"

"MANAHIMIK KA!!!", bulyaw niya sakin

Gusto ko sanang alalayan si Maia sa pagtayo ngunit hindi kaya ng katawan ko.

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now