Chapter 8 - Sacrifice

850 42 27
                                    

(Irish's PoV)

"Never ever touch her. Mahal ko yan!", utos ng isang boses mula sa kinaroroonan ni goon1.

Nabuhayan ako ng loob sa narinig ko.

"Sino ka ba???", sabay na tanong ng goons sa nagsalita.

Nilingon ko ang direksyon na kinaroroonan niya.

Kaso hindi ko masyadong makita kung sino siya dahil sa liwanag ng araw mula sa kaniyang likuran.

Pero familiar sakin ang kaniyang boses. At ang lakas ng kabog ng dibdib ko ngayon dahil sa mga huling katagang binitawan niya.

Mahal daw niya ako!

"Hindi na kayo nagtanda!"

"Wala kang pakialam", sagot ng goon 2

Nakita kong lumapit siya samin. Ngunit bago pa man yun mangyari, sinalubong siya ni goon 1 na may hawak na ring patalim ngayon.

Naramdaman ko ang paglapit ni goon 2 sakin. Nailagan ko ang pagtama dapat sakin ng kutsilyo.

Lumakas ang loob ko nang dumating siya. I really feel safe with him. Unti-unting naglaho ang galit ko sa kaniya.

Muling iwinasiwas ni goon 2 ang patalim na hawak niya ngunit nailagan ko ulit ito at sinipa ko ang kaniyang wrist, dahilan upang tumilapon ang hawak niyang kutsilyo.

-----------------------
(Spence's PoV)

Sinalubong ako ni goon1. Inilagan ko ang patalim niya saka ko sinuntok ang mukha niya.

Napasubsob siya ngunit agad din siyang nakabalik. Iwinasiwas niya ang kaniyang patalim. Muli ay umilag ako at sinipa ang tiyan niya, dahilan para mapaupo siya.

Samantala, napalingon ako kay Irish. Nakita kong lumalamang siya.

Hindi niya maipwersa yung kanang balikat niya kaya more on sipa siya at suntok gamit ang kaliwang kamay. Nahulog ang kutsilyong hawak ng kalaban niya.

Pagkatapos ay pinilipit ni Irish ang kanang kamay ng goon gamit ang kaliwang kamay niya.

Samantala, ang goon naman na kinakalaban ko ay pinipilit tumayo.

Kailangan makahingi ako ng tulong.
.

.

.

Nakatayo na ang goon at handa na ulit siyang lumaban. Hinawakan ko yung wrist niya at hinulog ko ang hawak niyang kutsilyo. Inilagan ko ang suntok ng kaliwang kamay niya at siniko ko ang kaniyang mukha.

Na-out of balance siya nang bitawan ko siya kaya natumba siya ulit.

Napalingon ako kay Irish. Nakita kong napatumba niya yung goon na kalaban niya at naglakad siya palapit samin ngunit nakita kong mabilis na nakabangon yung goon at hawak niya ulit ang kutsilyo.

"Iriiiiish!", sigaw ko para i-warn siya at buti na lamang ay naintindihan niya agad ang ibig kong sabihin kaya nakailag siya dito.

Samantala, nilingon ko ang goon na kinakalaban ko. Nawala siya sa kung saan siya bumagsak. Parang meron siyang kinuha sa may kaliwa ko.

Pagkaharap ko ay nakita ko ang kutsilyong parang hangin kabilis sa kaliwang bahagi ng tiyan ko.

Sinubukan kong pigilan. Hinawakan ko ang wrist niya gamit ang kaliwang kamay ko upang pigilan ito.

Ngunit sa sobrang bilis, maging ang kamay kong pipigil dapat ay napasama na lang sa direksyon ng kaniyang kamay.

Naramdaman ko ang pagbaon ng kalahati ng kutsilyo sa kaliwang bahagi ng aking tiyan.

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now