Chapter 2 - Complaints

2K 68 0
                                    

(Irish's PoV)

Pano nga ba nagsimula ang lahat?
Pano nga ba dumating sa school yung Hellhound statue na yun?

Dumating ito sa di inaasahang pangyayari.

2 days ago nang dumating yung statue. 2 days ago bago maexperience ng mga kasamahan kong SSC ang katakot-takot na pagkabuhay ng statue pag gabi.

Martes ng umaga, lunch time nang biglang may ideliver na statue ang isang cargo truck. Marami ang nagtaka lalo na ang Principal dahil wala namang inorder o binili ang school na statue lalo na't isang Hellhound pa. Hindi nila mawari kung dapat bang tanggapin ito o hindi.

Kaya ang ginawa nila, pinagbotohan ito ng mga teachers. At nanaig na dapat itong tanggapin. Naniniwala kasi sila na isa itong swerte. Tsaka sayang naman daw kung hindi nila tatanggapin. Baka regalo ng isang nagmamagandang loob na dating estudyante din ng Cornerstone.

Sinabi din ni Ma'am Aiza, yung literature teacher na swerte pangdisplay ang mga nilalang ng Greek mythology kaya naman pumayag din ang lahat lalo na si Principal.

Pero sino naman ang mag-aakala na hindi na pala swerte ang dala nito kundi takot.

Sa ngayon, habang lumilipas ang araw pagkatapos ng nangyari sa mga kasamahan kong SSC kung saan nakita nila ang Hellhound na nabuhay sa gabi, nasundan pa ito ng isa pang insidente kung saan yung school guard naman na ginabi sa school ang nakakita. Pareho ang kaniyang description sa description ng mga kasamahan kong SSC. Dahil dito, parami ng parami ang natatakot at mas nakukumbinsi na dapat na ngang alisin ito sa school.

Sa harap ng SSC office, may nakalagay roong suggestion/comment box. At ngayong araw, napuno ito at lahat ng nakalagay ay protesta tungkol sa Hellhound statue. Gusto nilang alisin yun.

Ayun kasi sa rule ng school, kung may hinaing ang mga estudyante, dapat nilang idaan sa mga SSC leaders at sila ang magpapaabot sa mga teachers or sa kung kanino sila magrereklamo in a due process. Kaya ngayon, ako ang humaharap at kanilang susi sa bagay na 'to.

Kanina rin after class ko, nung papunta akong SSC office, nadatnan kong napakaraming tao sa harap na tila ba may hinihintay. Nang makita nila ako, agad nila akong nilapitan at lahat sila, iisa ang gusto...ang alisin ang hellhound statue dahil ipapahamak lang nito ang mga estudyante.

"Huminahon kayo!", sambit ko nang masyado na silang maingay.

At tumahimik naman sila

"Wag kayong mag-alala...kakausapin ko ang mga nakatataas para magawan ng paraan ang tungkol sa bagay na yan!"

"Kailangang maaksyunan sa lalong madaling panahon bago pa may mawalang buhay dahil sa statue na yan!"

Maya-maya pa ay nagsi-alis din sila.

Tumungo ako sa SSC office para maupo saglit.

Minasahe ko ang aking noo para ma-relieve ang stress ko kahit papano.

Habang nag-iisip ako...

BLAAAAAAAGGG!

Halos napatalon ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang lagabag ng pinto.

"Ano ka ba naman Dale..!", sambit ko nang makita ko siyang pumasok at may dalang laptop.

"Sorry Ms. Chairman!"

Umupo siya sa tabi ko at may pinakita siya sakin sa laptop.

It's actually the website of Cornerstone Academy sa forum section.

"Have you seen this?", tanong niya sabay turo sa tinutukoy niya.

Ang tinutukoy niya ay ang newly created forum tungkol sa issue ng Hellhound statue.

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now