Chapter 20 - Sherry's Curiosity

949 35 0
                                    

(Irish's PoV)

Pinilit kong maging okay.

"Oo naman!"

At nagpatuloy ako sa paglalakad.

"Sigurado ka bang okay ka lang?", tanong niya habang nakasunod sakin.

Alam kong nag-aalala na siya. Pero wala na akong pakialam.

"Ok lang ako!", cold kong sagot.

Hindi siya umimik. Sinabayan niya ako sa paglalakad.

Maya-maya pa ay binasag niya ang katahimikan.

"I....tinatanggap mo na ba yung sorry ko?"

Hindi ako sumagot. Gustong-gusto ko siyang sigawan tulad dati. Pero mas pinili kong manahimik. Sa sobrang frustrated ako sa kaniya, kahit kausapin siya hindi ko magawa. Alam mo yung, gusto mo na lang iparamdam through your actions na nakakainis siya.

"Irish!", paghihintay niya ng sagot ko

Napahinga ako ng malalim.

Bago pa man ako makasagot, nag-ring yung cellphone ko.

Tumatawag si Lolo

"Lolo!"

"Apo...ano? Nakarating ka ba ng safe sa school?"

"Opo Lo!"

Saktong papasok na ako ng gate.

"sige mag-iingat ka apo ha! Tawagan mo ako pag uwian niyo na. Mag-u-undertime ako. Susunduin kita."

"Hindi naman na kailangan Lo."

"Napag-usapan na natin 'to!"

Hindi na ako nakatanggi. Naka-oo na rin kasi ako sa bahay kanina

Malapit na kami sa classroom. Oo kasabay ko pa rin si Spence.

"I----", sambit ni Spence

"Irish....samahan mo naman ako sa canteen!", biglang dumating si Jamie.

"Tara!", masaya kong sagot.

Nagtungo kaming canteen habang dumiretso naman sa classroom si Spence.

--------------
(Spence's PoV)

Umupo ako sa assigned seat ko at nag-isip.

Iniisip ko yung pag-uusap namin ni Irish. Sobrang cold niya. Alam kong nagalit siya sa pag-iwan ko sa kaniya kahapon. At hindi ito yung unang beses na ginalit ko siya. Pero iba ngayon eh! Parang ang hirap niyang suyuin. Sa reaction niya, parang mas matindi pa sa pag-iwan ang ginawa ko sa kaniya. Dati sinisigawan niya ako pag naiinis siya. And I am aware na ginagawa niya yun para ma-release yung galit niya kaya afterwards ok na kami. Ngayon parang nagpipigil siya ng galit. Parang ayaw niyang irelease.

Bigla ko ring naalala nung hinawakan ko yung braso niya. Alam kong nasaktan siya. Pero hindi naman ganun kahigpit yung pagkakahawak ko sa kaniya. Ang weird!

Pagkatapos ng ilang minuto, nakabalik na sina Jamie at Irish. Si Jamie may hawak na burger at chocolate drink.

"Isang himala!", rinig kong sambit ni Jamie.

"Isang NApakalaking himala!", pag-uulit niya

"Si Irish Alvarez....hindi bumili ng pizza??????"

"Wala ako sa mood kumain!"

"May lagnat ka ba friend at nagawa mong tanggihan ang pizza"

Ipinatong ni Jamie ang kaniyang palad sa leeg ni Irish.

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now